Monday, July 6, 2026

BOC, pinahaharap sa pagdinig tungkol sa lumalalang insidente ng oil smuggling

Pinahaharap ni Senator Erwin Tulfo ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa pagdinig ng Senado para masagot ang pagtindi ng mga insidente ng smuggling ng oil products sa bansa.

Ayon kay Energy Committee Chairman Erwin Tulfo, nais niyang masilip ang mga ulat ng fuel smuggling sa mga pantalan sa Cagayan de Oro, Cebu, at Batangas.

Nakarating sa senador na kadalasang misdeclared ang dami ng langis na ipinapasok sa bansa para makaiwas sa tamang pagbabayad ng buwis at may mga customs personnel ang kasabwat sa kalakaran.

Maliban sa BOC, iimbitahan din ng komite ang Department of Finance (DOF).

Sa ngayon wala pang schedule kung kailan magpapatawag muli ng hearing ang komite.

Target ng inquiry na suriin ang mga kalakaran sa pantalan na ayon kay Tulfo ay nagreresulta ng malaking kabawasan ng kita sa pamahalaan, unfair competition sa domestic fuel industry, at banta sa mga consumers.

Facebook Comments