Monday, July 6, 2026

Ilang mga maliliit na negosyo, may apela sa DOLE hinggil sa ipatutupad na dagdag sweldo

Inihayag ni acting Labor Sec. Francis Tolentino na may ilang maliliit na negosyante ang kumakausap sa kaniya para magpa-exempt sa ipatutupad na P85.00 na dagdag sahod sa mga minimum wage earner.

Ayon kay Tolentino, inabisuhan niya ang mga ito na magpasa ng mga kinakailangan dokumento para maging exempted sa ipatutupad na dagdag umento.

Aniya, bukod dito, dapat rin na ang mga maliliit na negosyo ay mayroon lamang na P3 milyun na puhunan pababa.

Paliwanag pa ni Tolentino, maaari naman maglabas ng desisyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga micro, small and medium entreprises (MSMEs) kung hindi talaga kaya at hindi sapat ang kita.

Muli naman nanindigan ang kalihim na ang ipinatupad na dagdag sahod ay naaayon sa batas o RA 6727 at kanila lamang sinusunod ang mga nakapaloob dito.

Facebook Comments