Wednesday, July 1, 2026

Miyembro ng INC, pumayag umanong tanggalin ang bus sa EDSA White Plains –NCRPO

Personal na nakiusap si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Major General Anthony Abellada Aberin, isa sa mga myembro ng Iglesia ni Cristo, na alisin sa EDSA White Plains ang mga bus ng mga raliyesta.

Ang tinutukoy na bus, ay ang bus na ibinalagbag kahapon sa EDSA People Power Monument na kasalukuyang sumasakop sa 2 lanes ng kaparehong kalsada.

Sakaling hindi pa rin aalisin ng mga raliyesta ang nasabing mga bus, eh kakausapin ulit umano ito ng kapulisan, at kung talagang hindi na talaga sila mapapakiusapan ay mapipilitan aniya silang ipahatak ang nasabing mga sasakyan.

Facebook Comments