
Mainit na sinalubong ng Filipino community sa Vancouver, Canada si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Batay sa datos, nasa halos isang milyong Pilipino ang naninirahan sa Canada.
Sa pagtitipon kinilala ng pangulo ang kanilang malaking ambag sa ekonomiya at sa pagpapatibay ng ugnayan ng Pilipinas at Canada.
Pero bago magsimula ang programa, sinalubong ang pangulo at ang Philippine delegation ng dalawang magkaibang grupo sa labas ng venue.
Isang grupo ng mga nagpoprotesta ang sumisigaw ng ‘magnanakaw’ habang may ilang mga tagasuporta na sumisigaw ng “BBM”.
Samantala, sinabi naman ni Palace Press Officer Claire Castro na normal na bahagi ng demokrasya ang mga kilos protesta na kinakaharap ng mga lider sa iba’t ibang bansa.
Wala rin aniyang basehan ang mga paratang na isinisigaw ng mga nagpoprotesta at nakasisira lamang umano ang mga ito sa imahe ng Pilipinas sa harap ng ibang bansa.










