Wednesday, July 1, 2026

Apat na araw na rally ng mga kasapi ng INC, pinag-aaralan pa ng QC LGU; permit sa extension, nakadepende kung payapa ang pagtitipon ngayong Miyerkules

Kinumpirma ni Elmo San Diego, Head Department of Order and Safety ng Quezon City Local Government Unit (LGU) na inaprubahan nila ang aktibidad ng mga kasapi ng Iglesia ni Cristo (INC) ngayong Martes, July 1, dahil mas organisado na umano ang nasabing aktibidad at may representante na ng INC silang nakakausap, hindi katulad kahapon.

Kabilang umano sa parameters na ipapatupad ay ang pagpapanatili ng payapang rally, malinis na area, at “no total road closure”.

Ayon pa kay San Diego, apat na araw umano ang hinihingi ng mga raliyista pero isang araw lang muna ang inaprubahan nila.

Samantala, wala pa umanong hawak na dokumento ang QC LGU kaugnay ng extension request ng mga raliyista, pero nakadepende naman umano ang extension nito sa pagsunod nila sa nasabing mga parameters.

Facebook Comments