Thursday, August 13, 2026

Lalaking umano’y isang gunrunner sa maguindanao del sur, arestado ng CIDG

Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang lalaki matapos makumpiskahan ng mga hindi lisensyadong mga baril sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao Del Sur .

Ayon sa ulat ng pulisya, ang nasabing naarestong indibidwal ay sangkot sa gunrunning operations sa nasabing probinsya.

Kung saan naaktuhan umano itong nagdedeliver at nagbebenta ng 2 units ng M4A1 carbines nang walang kaukulang mga permit at lisensya na umootorisa sa kanya na magsagawa ng ganitong klaseng transaksyon.

Gayundin ang mga narekober na mga baril ay napagalaman na hindi nakarehistro.
Dahil dito, nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at ang Batas Pambansa Bilang 881 o ang Omnibus Election Code of the Philippines.

Kaugnay nito, ayon sa CIDG ang nasabing operasyon ay nagpapaigting sa pagpapatupad ng election gun ban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)na may layon na mapuksa ang suplay ng mga ilegal na baril na maaaring gamitin para mapigilan ang parliamentary election sa nasabing rehiyon.

Facebook Comments