Monday, August 17, 2026

Malacañang, walang kumpirmasyon sa umano’y hiling na private meeting ni VP Sara kay PBBM, pero ang pangulo, bukas sa anumang dayalogo

Hindi makumpirma ng Malacañang ang mga ulat na humiling si Vice President Sara Duterte ng pribadong pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, wala silang natatanggap na impormasyon na may ganitong request mula sa bise presidente.

Gayunman, sinabi ni Castro na bukas si Pangulong Marcos sa pakikipag-usap sa lahat, kabilang ang mga hindi sumasang-ayon sa kaniya.

Una nang sinabi ng pangulo na handa siyang makipagdayalogo para magkaroon ng mas magandang pagkakaunawaan.

Nilinaw naman ni Castro na hindi partikular kay VP Sara ang pahayag na ito upang maiwasan ang maling interpretasyon.

Facebook Comments