
Ibinabala ng House Prosecution Panel ang pamamayagpag ng fake news kapag nagpasya ang Senate Impeachment Court na higpitan ang pampublikong talakayan patungkol sa impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.
Paliwanag ni Ridon, ang regular media briefings at ambush interviews sa mga miyembro ng prosecution, gayundin ang kanilang mga social media posts ay may layuning magbigay ng tamang impormasyon sa publiko at ipaliwanag ang nagiging takbo ng proseso ng impeachment.
Ipinunto ni Ridon, kailangang ilahad ito sa publiko dahil masyado ng naging judicialized at teknikal ang takbo ng paglilitis.
Pahayag ito ni Rep. Ridon sa harap ng nakatakdang paglalabas ng Impeachment Court sa Lunes ng guidelines o patakaran kaugnay sa public statements at social media posts ng lahat ng involved sa impeachment trial.










