Boy Sablan, nagbitiw na bilang coach ng UST Growling Tigers

Sports – Nag-resign na si Boy Sablan bilang head coach ng University of Santo Tomas Growling Tigers.

Ayon sa mga source noong Lunes, Nobyembre 20 ibinigay ni Sablan sa pamunuan ng UST ang kaniyang resignation letter.

Hanggang sa katapusan naman ng buwan magsisilbi ang miyembro ng coaching staff ni Sablan.


Sa dalawang taon ni Sablan bilang coach, nakakuha lamang ng apat na panalo sa dalawampu’t-walong laro sa UAAP.

Ngayong season, sa huling laro lamang nanalo ang UST para maiwasang mabokya sa season 80 ng UAAP men’s basketball.

Facebook Comments