Friday, June 26, 2026

Mga estudyanteng magdadala ng patalim, sangkot sa bullying o rambulan, ikinokonsiderang i-expel sa mga public schools sa Maynila

Ikinokonsidera ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na patawan ng expulsion o patalsikin sa mga pampublikong paaralan ang mga estudyanteng masasangkot sa mga kalokohan at magdadala ng mga armas sa mga eskwelahan.

Sa gitna ito ng kabi-kabilang insidente ng karahasan sa mga eskwelahan na kinasasangkutan ng mga estudyante.

Sa Kapihan sa Samahang Plaridel, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na imumungkahi niya ito sa binuong School and Community Safety Task Force ng lungsod.

Nagbabala rin ang alkalde sa mga estudyanteng masasangkot sa bullying at mga kaguluhan gaya ng rambulan kahit sa labas ng eskwelahan na maaari silang maharap sa expulsion.

Facebook Comments