Brgy. Tanod, Patay Matapos Magulungan ng Truck

20

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang barangay Tanod matapos bumangga at magulungan ng truck sa pambansang lansangan sa bahagi ng Brgy. Nappaccu Grande sa bayan ng Reina Mercedes, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Charles Corales, 42 taong gulang, may asawa at residente rin ng naturang barangay.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, bumabaybay ang isang Trailer truck sa nasabing lansangan na minamaneho ni James Gorobat, 35 taong gulang, walang asawa, residente ng Brgy. San Manuel, Naguilian, Isabela at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente, biglang tumawid ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo mula sa kanang bahagi ng daan at sumalpok sa gitnang bahagi ng truck.


Sumemplang sa kalsada ang biktima hanggang sa nagulungan ng kanyang nabanggang trailer truck.

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang biktima at isinugod pa sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival (DOA) ng umasikasong Duktor.

Boluntaryo namang sumuko sa himpilan ng pulisya ang suspek na posibleng maharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) to Homicide ang Damage to Property.



Facebook Comments