
Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., na bibigyan ng isang linggong ultimatum para sumuko si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa mga awtoridad.
Nabatid na si Dela Rosa ay may warrant mula sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kampanya sa iligal na droga noong panahon ng administrasyon ng Duterte kung saan siya noon ang PNP chief.
Ayon kay Nartatez, hindi sila nakikipagnegosaysyon at binibigyan lamang nila ng option ang senador na sumuko.
Kaugnay nito, sinabi pa ni Nartatez na may ultimatum man o wala ay patuloy nilang tutuntunin si Dela Rosa at ang sinumang mapapatunayang nagkakanlong sa kanya ay posibleng maharap sa kaukulang kaso.
Samantala, nauna nang inihayag ni Secretary of the Interior and Local Government Jonvic Remulla na itinuturing na armed and dangerous ang senador at inanunsyo na rin nito ang paglalagay ng ₱50 million na pabuya sa makakapagtukoy sa kinaroronan ni Dela Rosa.
Kukunin ang perang ilalaan kay Dela Rosa sa intel fund ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at PNP.
Kinumpirma naman ni Remulla na si Dela Rosa ang most wanted person ng pamahalaan at ang may pinakamalaking pabuya sa bansa.










