MULA MAPANDAN PATUNGONG PALARONG PAMBANSA: ILANG MAPANDAN ATHLETES, HANDA NANG MAGBIGAY KARANGALAN

Handa nang irepresenta ng ilang atleta mula sa Mapandan ang Region 1 sa Palarong Pambansa 2026 sa Agusan del Sur matapos magpakitang-gilas sa larangan ng dancesport at taekwondo.

Naging malakas ang kanilang kompyansa matapos ang kanilang tagumpay sa 1st Benguet Open Dancesport Competition noong Mayo 9 hanggang 10, 2026, kung saan nag-uwi ng mga medalya ang delegasyon ng Mapandan laban sa iba’t ibang kalahok mula sa iba’t ibang lugar.

Katuwang ng dancesport team, kabilang din sa magdadala ng bandera ng rehiyon ang ilang atletang mula sa taekwondo na nagpakita rin ng kahusayan sa kani-kanilang larangan.

Ipinamalas ng mga atleta ang disiplina, tiyaga, at husay na naging susi sa kanilang tagumpay at pagkakataong dalhin ang bandera ng kanilang bayan at ng buong Region 1 sa mas mataas na antas ng kompetisyon.

Patuloy namang tiniyak ng lokal na pamahalaan ang suporta sa mga atletang nagbibigay ng inspirasyon at karangalan sa bayan sa pamamagitan ng kanilang tagumpay sa larangan ng palakasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments