
CAUAYAN CITY – Patuloy ang monitoring ng DSWD Field Office 2 para sa implementasyon ng programang Food-for-Work program sa Echague, Isabela.
Binisita ng mga kinatawan ng ahensya ng mga sites ng Project LAWA AT BINHI na napinsala ng mga nakaraang bagyo.
Kaugnay nito ay nagkaroon ng 5-day community work ang mga benepisyaryo bilang kapalit ng dalawang kahon ng family food packs.
Ang Project LAWA AT BINHI ay inistyatibo ng DSWD bilang tugon sa kakulangan sa suplay ng pagkain at tubig sa lalawigan dahil sa epekto ng La Niña at El Niño.
Facebook Comments