Monday, June 15, 2026

Ateneo coach Tab Baldwin at 3 iba pa, no show sa subpoena ng CIDG

COURTESY: UAAP Media

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na may 5 indibidwal itong pina-subpoena mula sa Ateneo management na pinatatawag ngayong araw sa tanggapan ng CIDG sa Camp Crame Quezon City.

Ayon kay Remulla isa lang ang dumating sa mga pinatawag at ito ay si Em Fernandez, ang head athletics ng Ateneo.

Ang apat naman sa mga ito kabilang ang coach na si Tab Baldwin ay hindi dumating ngayong araw kundi ang kanilang mga abogado lamang na karapatan din naman umano nila.

Dahil dito, ayon kay Remulla ay magbibigay muli sila ng pangalawang subpoena sa mga hindi sumipot.

Dagdag pa ni Remulla, sa pangalawang pagkakataon na hindi sila dumating, magbibigay na sila ng warrant na Contempt of Court.

Kaugnay nito, pagkumpirma pa ni Remulla, inaasahan naman na bukas ipapatawag ang mga players naman ng Ateneo sa tanggapan pa rin ng CIDG.

Facebook Comments