Bagong liderato at majority ng Senado, posibleng makaapekto sa impeachment trial – Rep. Co

Sinabi ni Kabataan Party-List Representative Renee Co na posibleng maapektuhan ang bilis ng proseso at ang interpretasyon sa “forthwith” o agarang pag ko-convene ng Senate Impeachment Court kasunod ng pagbabagao ng liderato sa Senado.

Kasama umano sa posibleng maging senaryo ay ang pagkaantala ng proceedings, pagbabago sa takbo ng paglilitia, at ang magiging resulta ng botohan ng mga senador.

Samantala, pinangangambahan naman ng nasabing mambabatas na kung posible pa bang magkaroon ng patas na paglilitis dahil sa political alignment ng bagong majority sa Senado.

Gayunpaman, nananatiling sentro ng usapin kung matutuloy ang mabilis at maayos na impeachment trial o mauuwi sa pagkaantala.

Facebook Comments