Arestado ang isang 24-anyos na SK Kagawad mula sa Bayambang, Pangasinan matapos mahuli sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Palma, Basista, Pangasinan nitong Martes, Mayo 19.
Ayon sa Basista Municipal Police Station, isinagawa ang operasyon sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 1 (PDEA RO1), na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na kinilalang isang High Value Individual (HVI).
Nasamsam mula sa suspek ang tinatayang 0.22 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na ₱1,496 na nakalagay sa dalawang heat-sealed transparent plastic sachet, kabilang ang buy-bust item.
Bukod dito, narekober din ng mga operatiba ang isang marked money na ₱500 bill, isang Redmi cellphone, at isang pulang motorsiklo.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek para sa pagsasampa ng kaukulang kaso kaugnay ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











