Tuesday, October 13, 2026

NBI report sa SALN ni VP Sara, nasa Ombudsman na

Naisumite na sa Office of the Ombudsman ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Vice President Sara Duterte.

Ngayong araw, Oktubre 13, pormal na ini-refer ng NBI sa Ombudsman ang kanilang fact-finding investigation sa mga idineklarang ari-arian ng bise presidente noong 2024 at 2025.

Sinuri ng NBI ang mga ari-ariang nakasaad sa SALN at inihambing ang mga ito sa mga opisyal na rekord mula sa Land Registration Authority upang matukoy kung may posibleng iregularidad sa deklarasyon.

Kabilang sa mga isinumiteng dokumento ang 22 titulo ng lupa na may kaugnayan sa 14 na ari-ariang nakadeklara sa SALN, intelligence report, mga mapa, larawan at video.

Handa rin ang NBI na magbigay ng karagdagang ebidensya at magharap ng mga ahenteng maaaring tumestigo kung kakailanganin.

Nasa Ombudsman na ngayon ang pagsusuri sa mga dokumento upang matukoy kung may sapat na batayan para sa kaukulang legal na aksyon.

Facebook Comments