Buong tauhan ng Paco Police Community precinct, ni-relieve sa pwesto

112

Ni-relieve sa kani-kanilang pwesto ang hepe at buong pwersa ng Paco Police Community precinct matapos masangkot ang tatlo nilang kasamahan sa pagtanggap ng lagay.

Mismong ang bagong talagang district director ng lungsod ng Maynila na si Police Brigidier General Andre Dizon ang nagdesisyon.

Ayon kay Dizon, hindi nito kukunsintihin ang katiwalaan sa kanilang hanay.


Dahil sa pag-relieve sa kanilang posisyon, balik Manila Police District (MPD) headquarters ang mga tauhan ng Paco PCP.

Papalit naman sa kanila ng pansamantala ang mga tauhan ng MPD District Mobile Force Unit.

Matatandaan na inaresto ang tatlong tauhan ng Paco PCP matapos mahuli na tumatanggap ng lagay mula sa kanilang mga biktima para mabawi ang na-impound na tricycle sa halagang P2,000.00.



Facebook Comments