DZXL 558 Radyo Trabaho, bibisita ngayong araw sa PESO Caloocan

35

Panibagong tanggapan ng Public Employment Services Office (PESO) ang bibisitahin ngayon ng DZXL 558 Radyo Trabaho team.

Mamayang alas-9:00 ng umaga kasi ay magkakaroon ng courtesy call ang DZXL Radyo Trabaho kay Caloocan Peso Manager Violeta “Beng” Gonzales.

Simula 2019 ay katuwang na ng PESO Caloocan ang DZXL Radyo Trabaho sa pag-aanunsyo ng iba’t ibang job openings at programa sa lungsod gayundin ang pagsuporta natin sa mga isinasagawang job fair.


Ito na ang ika-walong tanggapang pambayan sa pamamasukan na bibisitahin ng Radyo Trabaho sa Metro Manila.

Samantala, naging matagumpay rin kahapon ang isinagawang special job fair ng Pasay City PESO kung saan 237 ang na-hire on the spot.

Sa mga nais magkatrabaho, tumutok at mag-abang lamang sa iba’t ibang programa ng DZXL 558 Radyo Trabaho



Facebook Comments