
Pansamantalang pinagbawalan ng Board of Trustees ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang mga coaching staff ng Ateneo de Manila University (ADMU) na lumahok sa anumang aktibidad ng liga.
Sakop ng nasabing kautusan ang mga coaching staff ng nasabing unibersidad na kasama sa team building ng student-atheletes noong June 8 sa Dipaculao, Aurora.
Ayon sa UAAP, ito ay para mapangalagaan ang integridad at para masiguro ang transparency at due process sa imbestigasyon.
Samantala, epektibo naman ang nasabing kautusan hangga’t patuloy na gumugulong ang imbestigasyon sa pagkamatay nina varsity players Rene Baterbonia at Divine Adili.
Facebook Comments










