KAMPANYA KONTRA RABIES, PINALAKAS SA INFANTA

Pinalawak ng lokal na pamahalaan ng Infanta, ang kampanya laban sa rabies upang palakasin ang kamalayan ng publiko sa naturang nakamamatay na impeksyon.

‎Sa naturang kampanya, ipinakita ang sama-samang pagkilos ng iba’t ibang sektor kabilang ang mga opisyal ng pamahalaan, health workers, at mga residente upang palakasin ang kaalaman at aksyon laban sa nasabing sakit.

‎Tampok sa kampanya ang mga talakayan hinggil sa tamang pag-iwas sa rabies, responsableng pag-aalaga ng alagang hayop tulad ng aso at pusa, at ang mga nararapat na hakbang na dapat gawin sakaling makagat ng hayop.

Layunin nitong mabigyan ng sapat na impormasyon ang publiko upang maiwasan ang pagkalat ng rabies at maprotektahan ang kalusugan ng komunidad.

‎Ayon sa lokal na pamahalaan, mahalaga ang patuloy na edukasyon at pakikiisa ng bawat isa upang tuluyang mapuksa ang rabies at masiguro ang kaligtasan ng bawat pamilya.

Facebook Comments