Wednesday, June 3, 2026

Senate majority boycott, kinondena ng isang lider ng minorya sa Kamara

Mariing kinondena ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers PL Representative Antonio Tinio ang patuloy na “Senate majority boycott” kung saan simula noong Lunes ay hindi sila dumadalo sa plenary session.

Giit ni Tinio, hindi na nahiya ang mga miyembro ng mayorya ng Senado sa pagpapakita ng kanilang “entitlement at hypocrisy” o pagiging abusado at hipokrito.

Punto ni Tinio, kapag ordinaryong empleyado ng gobyerno ang hindi sisipot sa trabaho ay maaaring mabawasan ang kanilang sweldo o maparusahan pero ang mga senador na ayaw magtrabaho ay patuloy ang sahod at walang kakaharaping parusa.

Malinaw din kay Tinio na ang boycott ng mga majority senators ay walang kinalaman sa pagtatanggol o pagbibigay proteksyon sa Senado kundi para lang sa sarili nilang interes at para manatiling Senate president si Sen. Alan Cayetano.

Paalala ni Tinio, ang mga senador ay may sinumpaang tungkulin sa taumbayan at Konstitusyon at ang pagtalikod dito at pagsabotahe sa function ng kanilang institusyon ay betrayal of public service.

Facebook Comments