
Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang mga hakbang pangseguridad nito sa ilang bahagi ng Bangsamoro Region kasunod ng pagkakapatay sa lider ng Dawlah-Islamiyah at 3 iba pa sa engkwentro ng mga otoridad sa Maguindanao del Norte.
Inatasan ni PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang mga kinauukulang yunit ng pulisya na i-assess ang natitirang kakayahan ng mga ekstremistang network at subaybayan ang mga posibleng banta sa mga karatig na lugar.
Ayon kay Nartatez, pananatilihin ng PNP ang mga intelligence-driven operations at palalakasin ang koordinasyon nito sa mga katuwang nitong ahensya para mapigilan ang mga grupo na ito maghatid ng banta sa kapayapaan at seguridad ng publiko.
Tiniyak din nito sa publiko na ang kaligtasan ng mga ito ang pangunahing prayoridad ng organisasyon at hinimok ang lahat na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa mga awtoridad para sa kapayaan ng bansa.










