Tuesday, November 17, 2026

Freedom of expression, hindi lisensya para kutyain ang may kapansanan

Iginiit ni Bacolod Rep. Albee Benitez na hindi lisensya ang freedom of expression para kutyain, ipahiya at gawan ng diskriminasyon ang may kapansanan.

Mensahe ito ni Benitez, bilang bahagi ng pagkondena sa pag-alipusta ng hosts ng isang podcast sa anak ni Kris Aquino na si Josh na may autism.

Diin ni Benitez, ang pagtawag na walang kwenta ang isang taong may special needs ay hindi isang joke o nakakatawa dahil ito ay isang pag-atake sa dignidad at halaga ng isang indibidual.

Bilang may-akda ng House Bill No. 3379 o panukalang National Autism Care, Support, and Inclusion Act, ay naniniwala si Benitez na ang mga taong may autism ay karapat-dapat unawain, bigyan ng pantay na oportunidad, tanggapin at huwag kutyain at pagmalupitan.

Pakiusap ni Benitez sa lahat, pairalin ang malasakit at huwag ituring ang kapwa na walang kwenta dahil sila ay naiiba.

Facebook Comments