Wednesday, November 11, 2026

CAAP, nakikipag-ugnayan na sa imbestigasyon kaugnay ng pagkakaharang sa iligal na droga sa Laos

Nakikipag-ugnayan na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa mga awtoridad na nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng nasamsam na iligal na droga sa bansang Laos.

Ayon sa CAAP, ang eroplanong ginamit sa insidente ay rehistrado sa Estados Unidos, habang ang dalawang piloto na nakalista sa flight plan ay kapwa may lisensiyang inisyu ng United States Federal Aviation Administration (FAA).

Kinumpirma rin ng ahensiya na ang kahilingan para sa flight permit ng naturang eroplano sa Pilipinas ay isinumite noong Setyembre 24, 2026 ng Aerosky Service Corporation para sa kumpanyang CGTAsia.

Ayon naman kay CAAP Director General Retired Raul Del Rosario, patuloy na nakatuon ang ahensya sa pagpapanatili ng ligtas na himpapawid, pagpapatibay ng seguridad sa aviation at pangangalaga sa integridad ng sistema ng aviation.

Dagdag pa ng CAAP, patuloy nitong ipatutupad ang batas sa sektor ng aviation at titiyaking walang magiging kompromiso sa paggamit ng kapangyarihan nito bilang pangunahing aviation regulator ng bansa.

Facebook Comments