
Hinihikayat ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department (MCDRRMD) ang mga organisasyon at grupo na nais maging volunteer para kanilang makatuwang sa nalalapit na Undas 2026.
Partikular na hinihimok ang ilan indibidwal na handang maglaan ng oras, kakayahan, at dedikasyon upang makatulong sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan ng publiko.
Sa abiso ng Manila DRRMD, sinimulan na nila ang pagtanggap ng Letters of Intent sa mga nagnanais na makatuwang nila sa pagbibigay serbisyo publiko sa paggunita ng Undas.
Ang pagpapasa ng sulat para maging volunteer ay hanggang October 23, 2026 kung saan i-de-deploy sila sa loob at labas ng Manila North at South Cemetery.
Nabatid na ang naturang hakbang ay upang mas maging organisado ang pagbibigay ng tulong, seguridad at kaayusan lalo na’t inaasahan ang pagdagsa ng milyun-milyung indibidwal sa dalawang nabanggit na sementeryo.










