
Umabot sa P12.5 million ang naitalang pinsala sa agrikultura ng Department of Agriculture (DA) mula sa apat na rehiyon sa bansa dahil sa epekto ng Bagyong Inday.
Sa inilabas na datos ng DA-Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, aabot umano sa mahigit 1-K bilang ng magsasaka mula sa mahigit 500 na ektarya ng sakahan sa CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, at Negros Island Region ang naapektuhan ng nasabing bagyo.
Kabilang umano sa mga nasirang pananim ay palay, mais, at livestock.
Samantala, tiniyak naman ng departamento na mabibigyan ng tulong, gaya ng mga binhi ng palay, mais, at gulay ang mga apektadong magsasaka, habang hindi naman papatawan ng interes ang P25-K na pautang ng Agricultural Credit Policy Council, maging ang mga gamot at biologics para sa livestock at poultry.










