Friday, September 11, 2026

Paligid ng Quezon City RTC, bantay sarado ng mga PNP; Mga taga-suporta ni VP Sara Duterte, maagang nagtipon-tipon sa labas ng QC hall

Mahigpit na seguridad ang ipinapatupad sa paligid ng Quezon city Regional Trial Court kasabay ng arraignment o pagbasa ng sakdal kay Vice President Sara Duterte.

Ito’y kaugnay sa kinahaharap na tatlong bilang ng kasong grave threat kung saan inaasahan siyang haharap sa nasabing korte mamayang alas-8:30 ng umaga.

Bukod sa mga tauhan ng Quezon City Police District, nagpadala na rin ng tauhan sng National Capital Region Police Office (NCRPO) para masiguro ang seguridad ng pangalawang pangulo gayundin ang kaayusan sa loob at labas ng regional trial court.

Nabatid na inaasahan na dadagsa ang mga taga-suporta ni VP Sara kung saan may ilan sa kanila ang nagtipon-tipon na sa tapat ng Quezon City Hall ilang oras bago ang nakatakdang pagbasa ng sakdal sa kinakaharap niyang kaso.

Bukod sa mga pulis, nagtutulong-tulong ang QC Traffic and Transport Management Department at iba pang tanggapan ng lokal na pamahalaan para masiguro ang maayos na lagay ng trapiko at ang seguridad ng pagsasagawa ng programa ng mga taga-suports ng pangalawang pangulo.

Facebook Comments