Saturday, September 12, 2026

Sen. Pia Cayetano, iginiit na hindi nagtatago sa Singapore

COURTESY: Pia Cayetano/Facebook

Nilinaw ni Senator Pia Cayetano na nasa Singapore siya para suportahan ang National Padel Team ng bansa.

Sa Facebook livestream ni Sen. Pia, kinumpirma niya ang pagpunta sa Singapore pero iginiit niyang hindi siya nagtatago.

Ipinakita ni Sen. Pia na kasama niya sa Singapore ang mga Pinoy athletes na kanyang sinusuportahan.

Iginiit ng senadora na hindi siya nakikipagtaguan at wala siyang rason para magtago.

Nanawagan si Sen. Pia sa mga gumagawa ng kwento na tumigil na at ito ay pagsasayang lang ng oras at hindi patas ito sa mga Pilipinong ginagawan ng kwento.

Wala namang binanggit si Sen. Pia ukol sa kaniyang kapatid na si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na kasama niyang umalis ng bansa.

Facebook Comments