
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magtutungo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa India sa September 12-13.
Ito ay para dumalo sa 18th BRICS Summit matapos imbitahan ni Indian Prime Minister Narendra Modi.
Ayon kay DFA Spokesperson Analyn Ratonel, dadalo ang pangulo sa BRICS Summit bilang ASEAN Chair ang Pilipinas ngayong taon.
Pagkakataon din aniya ito ng Pangulong Marcos Jr. na ipaliwanag sa mga miyembro ng BRICS ang mga pangunahing prayoridad ng Pilipinas bilang ASEAN Chair kabilang ang mga usapin pagdating sa peace and security, people empowerment, at prosperity.
Inaasahan ding makikipag-pulong si PBBM kay Prime Minister Modi para naman pag-usapan ang progreso ng Philippines-India Strategic Partnership, suriin ang implementasyon ng 5-year plan of action for 2025-2029, at ipagpatuloy ang pagpapalitan ng pananaw tungkol sa ekonomiya.
Sinabi pa ni Ratonel na inaasahang magpa-follow up din ang Pangulo sa mga investment pledges na natanggap ng Pilipinas nang bumisita siya sa India noong nakaraang taun.










