Wednesday, November 25, 2026

MANDATORY AT RANDOM DRUG TESTING, ISINAGAWA SA JOB ORDER PERSONNEL NG LGU SAN FABIAN

Isinagawa ang mandatory drug testing para sa mga regular na empleyado at random drug testing naman para sa mga Job Order personnel ng Lokal na Pamahalaan ng San Fabian noong Nobyembre 23, 2026.

Isinagawa ang aktibidad kasunod ng flag-raising ceremony sa De Venecia Sports and Civic Center bilang bahagi ng kampanya ng lokal na pamahalaan para sa isang ligtas, disiplinado at drug-free na tanggapan.

Pinangunahan ito ng San Fabian Municipal Police Station sa pangunguna ni Chief of Police PLTCOL Roldan E. Cabatan, katuwang ang Rural Health Unit o RHU at ng pribadong Drug Testing Laboratory na nakabase sa San Carlos City, Pangasinan.

Layunin ng naturang aktibidad na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bayan, gayundin ang palakasin ang disiplina at pananagutan ng mga kawani ng pamahalaan.

Ayon sa LGU San Fabian, bahagi ito ng patuloy na pagsusulong ng isang pamahalaang malaya sa ipinagbabawal na gamot upang matiyak ang ligtas na kapaligiran at maayos na paghahatid ng serbisyo publiko sa mamamayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments