Wednesday, April 29, 2026

Muse competition sa pa-liga sa Pasig City, ititigil na

Ititigil na sa Pasig City ang pagsasagawa ng muse competition sa liga matapos maipasa ang resolusyon ng Pasig Sangguniang Kabataan o SK Federation.

Ito ay para baguhin ang isa sa mga nakasanayan na hindi naman na anila angkop sa kasalukuyan, at para mapalitan ito ng may mas respeto, patas, at progresibong sistema sa youth sports activities.

Samantala, nilagdaan ang naturang resolusyon noong April 23 at lusot na rin ito sa federation level.

Facebook Comments