CARAEL NHS, NAGLAGAY NG MGA SEGREGATED TRASH BIN BILANG PAGSULONG SA WASTONG PAMAMAHALA NG BASURA

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kalinisan at pangangalaga sa kalikasan, matagumpay na isinagawa ng Carael National High School (CNHS) sa Dagupan City ang pamamahagi at paglalagay ng mga segregated trash bin sa iba’t ibang bahagi ng paaralan.

Layunin ng programang ito na palakasin ang kamalayan at responsibilidad ng bawat mag-aaral, guro, at kawani sa wastong paghihiwalay ng basura.

Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng mga basurahang nakalaan para sa biodegradable, non-biodegradable, at recyclable na mga basura, inaasahang higit pang mapananatili ang kalinisan, kaligtasan, at kaayusan sa loob ng paaralan.

Ipinakita rin ng inisyatibong ito ang paninindigan ng paaralan sa pagtataguyod ng mga programang pangkalikasan.

Patuloy namang hinihikayat ng Carael National High School ang lahat na maging bahagi ng solusyon sa suliranin sa basura sa pamamagitan ng pagiging responsable at mapanuri sa kanilang mga gawaing pangkapaligiran. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments