
Na-relieve na sa pwesto ang mga pulis na sangkot sa sapilitang pagpapapasok sa isang negosyante sa isang pulang sasakyan sa DRT Highway, Brgy. Tangos, Baliwag City, Bulacan, kahapon ng tanghali.
Kung saan kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na kanilang mga tauhan ito mula sa San Rafael Municipal Police Station (MPS).
Kabilang sa apat na mga pulis na na-relieve sa pwesto ang kanilang chief of police bilang parte ng kanyang command responsibility.
Kasalukuyan namang nasa holding unit ang ang mga ito at nahaharap sa administratibo at kriminal na kaso.
Lumalabas sa reklamo ng biktimang negosyante na “mistaken identity” ang nangyaring pag-aresto sa kanya kung saan ayon pa rito ay walang maipakitang warrant of arrest ang mga nagpakilalang pulis na nagsagawa ng operasyon.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., isa naman itong aktuwal na operasyon ngunit hindi umano nasunod ng mga pulis ang tamang operational police procedure.
Tiniyak naman ng PNP na patuloy ang imbestigasyon nila sa nasabing insidente.










