Morissette Amon at nobyong si Dave Lamar, ikinasal na

Ikinasal na ang singer na si Morissette Amon sa nobyong si Dave Lamar.

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ang singer ng larawan ng dalawa habang nakasuot ng damit pangkasal.

Say ni Morissette, ilang buwan na silang kasal at ngayon lamang nila inilabas ang kanilang sekreto.


Gayunman, hindi naman nito binanggit kung ang eksaktong petsa ng kanilang kasal.

Matatandaang Disyembre 2020 nang ianunsiyo ng dalawa ang kanilang engagement.

Facebook Comments