Monday, June 8, 2026

Suplay ng kuryente sa ilang lugar na apektado ng lindol sa Mindanao, naibalik na—NGCP

Naibalik na ang operasyon ng ilang apektadong transmission line sa Southwestern Mindanao matapos ang magnitude 7.8 na lindol.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), naibalik na ang power transmission services sa Maguindanao, North Cotabato, at Sultan Kudarat kaninang 8:33 am, habang partially restored ang service sa South Cotabato ng 12:22 ng hapon.

Naibalik na rin ang supply ng kuryente sa Davao del Sur, Davao Occidental, Davao de Oro, at Davao Oriental ng 8:20AM.

Samantala, nananatiling walang power transmission services sa Sarangani, gaya ng General Santos City, habang nagpapatuloy ang assessment at restoration efforts ng NGCP.

Facebook Comments