
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi pababayaan ng pamahalaan ang mga residente ng Mindanao na apektado ng magnitude 7.8 na lindol na tumama malapit sa Sarangani at nagdulot ng tsunami warning sa ilang baybaying lugar.
Ayon sa pangulo, tuloy-tuloy ang kanilang koordinasyon sa mga lokal na opisyal at mga tanggapan sa rehiyon upang mabantayan ang sitwasyon at maihatid ang kinakailangang tulong.
Nangako rin ang pangulo na patuloy na magbibigay ng updates ang mga kaukulang ahensya habang nagpapatuloy ang monitoring sa mga apektadong lugar.
Kasabay nito, nanawagan si Pangulong Marcos sa publiko na sundin ang mga babala ng mga awtoridad at agad na lumikas patungo sa mas mataas na lugar.
Mas mahalaga aniya ang kaligtasan ng tao kaysa sa anumang ari-ariang maiiwanan.










