
Nakikipag-ugnayan ang Department of Foreign Affairs o DFA sa mga counterparts nito sa New Delhi at Kathmandu.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro, ito ay para mabatid kalagayan ng mga Pilipino sa Nepal naapektuhan ng landslide at flash flood.
Sa budget hearing ng House Committee on Appropriations ay sinabi ni Lazaro na walang foreign service post ang Pilipinas sa Nepal.
Binanggit din ni Lazaro na nag-request na ang DFA ng DNA sample mula sa pamilya ng nawawalang Pilipino sa Nepal.
Tugon ito ni Lazaro sa pangungumusta ni FPJ Panday Bayanihan Party-list Rep. Brian Poe sa sitwasyon ng mga Pilipino sa Nepal.
Facebook Comments










