BILANG NG MAY COVID-19 SA ISABELA, BUMABA NA LAMANG SA PITUMPUT APAT

Cauayan City, Isabela- Patuloy pa rin ang pagbaba ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela sa kabila ng naitalang mga panibagong kaso.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw, Pebrero 28, 2022, bumaba na lamang sa 74 ang active cases sa probinsya mula sa dating 94 kahit na nakapagtala pa ng pito na panibagong positibong kaso.

Nakapagtala rin ang probinsya ng karagdagang 15 na gumaling mula sa naturang sakit samantalang wala namang naidagdag sa talaan ng mga namatay sa covid.

Sa kasalukuyan, nasa sampung mga bayan na sa lalawigan ng Isabela ang COVID 19 Free habang may dalawamput pito pa ang may natitirang aktibong kaso.

Facebook Comments