Thursday, May 7, 2026

Pamumulitika at diskriminasyon sa pamamahagi ng ayuda at subsidiya, ipinasisiyasat ng isang senador

Pinaiimbestigahan ngayon ni Senator Loren Legarda ang umano’y pamumulitika at diskriminasyon sa pamimigay ng mga ayuda at subsidiya ng gobyerno.

Ito’y matapos na hindi isama sa “Bawat Barangay Makikinabang” Program ang 84 na barangay sa Taal at Nasugbu sa Batangas.

Layon ng Senate Resolution 381 na inihain ni Legarda na matiyak ang ligtas, non-partisan, transparent, digital at rules-based na pamamahagi ng tulong sa mga kababayan.

Itinutulak sa resolusyon na hilingin ng Senado sa Office of the President na magsagawa ng patas at independent na imbestigasyon.

Inaatasan din ang kaukulang komite ng Senado na siyasatin ang pagpapatupad, alokasyon at delivery sa lahat ng mga government cash assistance at subsidy programs.

Pinatitiyak ng senadora na napapanahon ang bigayan ng ayuda, ligtas ang mga benepisyaryo mula sa panganib at hirap ng pagpila para sa ayuda at masiguro na hindi ito mapapasukan ng politika at palakasan gayundin para maiwasan ang duplikasyon ng mga programa.

Facebook Comments