
Tiwala si Sen. Erwin Tulfo na walang palitan ng liderato na mangyayari sa gitna ng posibilidad na iakyat ng Kamara ang mga articles of impeachment laban kay VP Sara.
Ayon kay Tulfo, malabong makakuha ng boto para magkaroon ng pagpapalit ng Senate leadership.
Kumpiyansa rin si Sen. Erwin na solid ang suporta ng mayorya kay Senator Vicente Sotto III.
Sinabi ni Tulfo na uunahin pa bang pag-usapan ang isyu ng pagpapalit ng liderato kung masyado nang maraming problema ang bansa tulad ng napakataas na presyo ng petrolyo, health-care, mahal na presyo ng pagkain at mababang sweldo.
Giit ng mambabatas, mas dapat na unahin ang mga nabanggit na problema at isantabi na muna ang mga sarili at ang mga partido.
Facebook Comments










