
Hinimok ni Senator Sherwin Gatchalian ang pamahalaan na bumalangkas na ng pangmatagalang solusyon para mapanatili ang mababang presyo ng bigas.
Kasunod na rin ito ng anunsyo ng National Food Authority (NFA) na sisimulang mag-roll-out ng murang presyo ng bigas sa higit 50 LGUs matapos ideklara ang food security emergency.
Kabilang sa long-term solutions para sa abot-kayang presyo ng bigas ay paglalatag ng mga programang tutugon sa price manipulation schemes at pagpapalakas ng estratehiya para sa epektibong produksyon.
Iminungkahi rin ni Gatchalian sa NFA na makipagtulungan sa LGUs para magarantiyahan ang transparency at accountability sa distribution process nang sa gayon matiyak na maibibigay ang benepisyo sa mga nararapat na beneficiaries.
Pinagpapatupad din ng senador ng mahigpit na monitoring ang NFA at mga awtoridad sa mga suplay ng bigas upang maiwasan ang hoarding na nagiging sanhi ng pagsirit sa presyo ng bigas.