Celeste Cortesi, pasabog ang performance sa preliminary competition sa Miss Universe 2022

Celeste Cortesi is on fire!

Kabog at pagsabog ang performace ng pambato ng Pilipinas na si Celeste Cortesi sa naganap na preliminary competition ng Miss Universe 2022 sa USA.

Sa introduction pa lang ay nag-stand out na ang ganda ni Cortesi na suot ang shining silver dress.


Nangibabaw naman ang kaseksihan niya dahil sa kaniyang catwalk habang suot ang hot pink bikini sa swimsuit competition.

Mas lalo naman nagning-ning ang ganda ni Cortesi dahil sa suot niya na sky blue evening gown na dinisenyo ni Oliver Tolentino.

Pinaingay naman ni Cortesi ang Miss Universe stage dahil sa kaniyang darna-inspired sa national costume.

Kasunod nito, bumuhos naman ng suporta sa social media ang naging performance ng pambato ng bansa, kung saan marami ang nagsabing makakapasok si Cortesi sa top 16 semi-finals at mauuwi nito ang ikalimang-korona ng bansa.

Gaganapin naman ang Miss Universe coronation night sa January 14 (January 15 dito sa Pilipinas).

Facebook Comments