Monday, June 1, 2026

El Niño Action plan, nakalatag na ayon sa Malacañang

Naglatag na ang pamahalaan ng mga hakbang upang mabawasan ang epekto ng nakaambang El Niño sa tubig, pagkain, kuryente at kalusugan ng publiko.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, pinulong na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kaukulang ahensiya upang tiyakin ang kahandaan ng gobyerno.

Kabilang sa plano ang reaactivation ng National El Niño Team upang tukuyin ang mga lugar na makakaranas ng tagtuyot, protektahan ang mga pananim at pabilisin ang pagkukumpuni ng mga irrigation system.

Inatasan din ang mga ahensiya sa tubig na tiyakin ang sapat na suplay para sa mga kabahayan, habang pinalalakas naman ng Department of Health (DOH) ang pagbabantay sa mga sakit na dulot ng matinding init.

Tiniyak din ng mga ahensiya sa enerhiya ang sapat na suplay ng langis at kuryente, kabilang ang backup power para sa mahahalagang pasilidad.

Facebook Comments