
Tiniyak ng kampo ni Vice President Sara Duterte na hindi nagsisimula sila kami magpapaunlak ng interviews sa media hangga’t hindi nagsisimula ang pre-trial sa impeachment case ng pangalawang pangulo.
Ayon kay Atty. Michael Poa, nais nilang irespeto ang Senado lalo na’t pinagbabawalan aniya ang mga partido na magsalita sa publiko ng mga merito ng kaso.
Tiniyak naman ni Atty. Poa na business as usual si VP Sara at tuloy-tuloy aniya ang trabaho ng pangalawang pangulo.
Nanindigan naman si Atty. Poa na handa silang depensahan sa impeachment court si VP Sara.
Aniya, kaya binuo ang defense team ni VP Sara para hindi maabala ang trabaho ng pangalawang pangulo kahit may impeachment trial.
Facebook Comments










