CELLPHONE STORE SA LINGAYEN, NABIKTIMA NG UMANO’Y PAGNANAKAW

Pansamantalang isinara muna ng may-ari ang isang cellphone store nito sa Avenida Rizal, Lingayen matapos itong mabiktima ng umano’y pagnanakaw.

Sa post na ibinahagi, sinabi ng may-ari na hindi lamang mga cellphone ang nawala sa insidente kundi maging ang bunga ng kanilang pagsisikap, sakripisyo, at paghihirap sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo.

Dahil sa insidente, inanunsyo ng pamunuan na pansamantala munang hindi magbubukas ang kanilang branch habang inaayos ang mga naging pinsala at nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang awtoridad para sa imbestigasyon.

Nanawagan din ang establisimyento sa publiko na magbahagi ng anumang impormasyon kung may nakakita o may nalalamang kahina-hinalang pangyayari na may kaugnayan sa insidente upang makatulong sa isinasagawang imbestigasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments