Lumahok ang lahat ng 34 barangay sa Urdaneta City, Pangasinan sa pagtatapos ng 2026 Nutrition Month Celebration noong Hulyo 30, kasama ang mga paaralan, ahensya ng pamahalaan, pribadong institusyon, at community partners.
Isinagawa ang culminating activity ng Pamahalaang Lungsod ng Urdaneta katuwang ang City Nutrition Committee (CNC) at City Health Office.
Bahagi ng programa ang EGGcellence Cooking Challenge at TikTok Nutri Dance Challenge, kung saan nagpakita ng pakikilahok ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor.
Ginawaran ng cash prizes ang mga nagwagi sa mga paligsahan, habang nakatanggap naman ng consolation prizes ang lahat ng lumahok.
Batay sa ulat, bukod sa paglahok ng 34 barangay ay dumalo din ang mga kinatawan mula sa mga lokal at pambansang ahensya, pribadong grupo, at iba pang katuwang ng lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







