Monday, August 3, 2026

UTANG NG PILIPINAS, UMABOT NA SA P19.65 TRILYON

‎‎Umabot sa P19.065 trilyon ang kabuuang utang ng pambansang pamahalaan sa pagtatapos ng Hunyo, ang pinakamataas na naitala sa kasaysayan, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

‎Mas mataas ito ng P518.98 bilyon o 2.8% kumpara sa naitalang P18.546 trilyon noong katapusan ng Mayo.

‎Ayon sa BTr, dulot ito ng mas malaking pangungutang sa loob at labas ng bansa upang pondohan ang mga programang pangkaunlaran, habang bahagyang napigilan ng paglakas ng piso ang pagtaas ng utang.

‎Umabot sa P12.837 trilyon ang domestic debt at P6.227 trilyon naman ang external debt. Samantala, bumaba ng 31.21% ang government-guaranteed obligations sa P305.07 bilyon.

‎Ayon sa isang economist, posibleng magpatuloy ang pagtaas ng pangungutang habang pinabibilis ng pamahalaan ang paggastos sa imprastraktura.

‎Posible nitong palawakin ang budget deficit ngunit makatulong din sa pagpapalago ng ekonomiya.

‎Sa kabilang banda, yon naman sa ilang Pangasinense, kailangan umanong tutukan ang mga programa at proyektong pinondohan ng pamahalaan mula sa kaban ng bayan upang tiyak na naisasagawa ito ng maayos at napapakinabangan ng mamamayang Pilipino. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments