Sa kabila niyan, hindi m nagpatinag ang ilang beachgoers at patuloy pa rin sa kanilang pakay na pamamasyal sa tabing-dagat.
Bukas din ang ilang street food vendors na hindi rin alintana ang naramdamang sama ng panahon sa hapon.
Samantala, isasailalim sa Yellow Warning Level ang Dagupan City simula ngayong Lunes ng hapon, Agosto 3, hanggang Martes ng hapon, Agosto 4, ayon sa 24-Hour Rainfall Forecast ng DOST-PAGASA na inilabas alas-11:00 ng umaga nitong Agosto 2, 2026.
Batay sa forecast, inaasahang makakaranas ang lungsod ng 50 hanggang 100 milimetro ng ulan, na maaaring magdulot ng pagbaha sa mga mabababang lugar at iba pang panganib na dulot ng masamang panahon.
Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at mag-ingat, lalo na ang mga naninirahan sa mga lugar na madaling bahain at landslide-prone areas.
Hinihikayat din ang mga residente na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso at weather updates mula sa DOST-PAGASA at sa lokal na pamahalaan.
Patuloy namang nakahanda ang mga kinauukulang ahensya upang tumugon sakaling magkaroon ng mga insidenteng may kaugnayan sa inaasahang malakas na pag-ulan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







